
El Gran Dragón
0
9 days ago
Description
Kilalanin si Tory—isang babaeng mag-aaral ng kursong Bachelor of Science in Mechanical Engineering na kung kumilos at manamit ay tila lalaki; matapang, puno ng prinsipyo, at may matatag na paninindigan. Ngunit sa likod ng kaniyang matigas na baluti, tila natutunaw ang lahat ng depensa at kusang nanghihina ang kaniyang buong pagkatao sa oras na manaig ang pagiging BABAE—bukod-tangi sa kaisang-isang lalaking nagpatuklas sa kaniyang pusong sadyang mapili sa pag-ibig: si Sorra. Ipinapakita sa kwentong ito ang PAGIGING ‘TAO’ NI TORY—isang babaeng may tunay na damdamin, prinsipyo, at katayuan sa buhay. Kahit may pusong aminadong nanghihina sa iisang lalaki lamang na kaniyang iniibig, nananatili pa rin ang kaniyang dangal. Isa itong paglalakbay na nagpapatunay na ang kaniyang paninindigan sa pagmamahal sa kaisa-isang tao ay hindi isang kahinaan, kundi isang sining ng pagiging tapat sa nararamdaman na kailanman ay hindi magiging kawalan ng dignidad. Sa likod ng mga guhit at salitang ito ay ang TUNAY NA KARANASAN NG MAY-AKDA. Isinasalamin ng sining na ito ang mga hamon at tagumpay na hango sa katotohanan, na siyang nagbigay-kaluluwa sa bawat kaganapan sa Sorr-Y, este, S-Tory, sa mundo ni Tory. Gayunpaman, ANG SINING AY MAY SARILING TINIG! Hayaan ninyong ang mga susunod na kabanata ang maglahad kung ang pag-ibig na tapat ay sapat na ba upang makamit ang hinahangad sa dulo. Sa mundo ni Tory, laging may puwang para sa isang magandang bukas.
1K
views
0
shelves
7
releases
13+
audience
Releases
Always free to read







![Cover image for [ONESHOT] MỘT ĐÊM MÙA HẠ](https://globalcomix.com/img/processed/comic-cover/49b7002f09e3756bf592b85eaaee3f9e/122900_97155c73922dd0eda647a12ba2ee2a51_large.webp)